Una sa Balita

Baby nagulungan ng SUV, patay

0 406

Binawian ng buhay ang isang taon gulang na batang babae, nang mahagip ito ng sports utility vehicle (SUV) sa Navotas City, Linggo nang gabi.

Hindi na umabot ng buhay nang dalhin sa Navotas City Hospital si Elijah Tiffany Salvador, nakatira sa Leongson St. Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.

Base sa medical report, nagtamo ang bata ng labis na pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang driver umano ng sasakyan na tinukoy na si Meldy Santos, nasa hustong gulang, kalugar ng biktima.
Ayon sa saksi, nakita niya ang bata na nasa tapat ng bahay nito alas-6:30 nang gabi.

Nasa stroller umano ang biktima nang mawalan ito ng balanse at natumba sa kalsada. Tiyempo namang para­ting si Meldy na sakay ng Mitsubishi Montero na may plakang W1Q-694, at nasagi ng unahang gulong ng strol­ler ang bata.
Tumilapon ang paslit sa lakas ng pagkakahagip at tumama ang katawan at ulo sa semento.

Agad na tumakas ang drive­r ng kotse na nakapa­ngalan kay Cezar Pascual Santos, ayon sa pulisya.

Bagaman nakatakas si Meldy, kinasuhan ito ng reckless imprudence in resulting to homicide. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy