Una sa Balita

Baby Kai nina Sarah, Richard pinagkaguluhan

By
0 2,321

Nag-post si Sarah Lahbati sa kanyang social media accounts ng picture ni Baby Kai. Bukas ay two month old na rin ang second baby nila ni Richard Gutierrez at ang cute-cute ng bata.

Nang makita ko nga last week si Baby Kai, natuwa ako dahil tawa siya nang tawa nang makita ako at akala yata ay mascot ako. Hahaha!

Nang una kong makita si Baby Kai noong March 21 na kapapanganak pa lang sa kanya ni Sarah, parang ang itim pa niya noon, pero ngayon, parang nagla-light na ang kulay niya.

Ang dinig ko, pagpunta nina Richard at Sarah sa Geneva, Switzerland para dalawin ang tatay ng huli na based doon, isasama nila hindi lang si Zion kundi pati si Baby Kai.

Nakatakdang mag-Europe sina Richard­ at Sarah dahil sasamantalahin na nila ang mga araw na hindi pa nagte-taping uli ang una dahil pinag-uusapan na nga ang next series ni Richard sa ABS-CBN.