Una sa Balita

Baby Kai nalito kina Richard, Raymond

By ,
0 4,360

Hindi na ako na-surprise sa pinost ni Raymond Gutierrez sa kanyang Instagram stories (@mond) na picture nila ng nephew niyang si Baby Kai kung saan ay nilagyan niya ng caption na, “A confused Baby Kai. When the person holding you looks just like your Dad but isn’t.”

Noong baby pa kasi si Zion, ang panganay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, may ganoong moments din naman kapag nakikita ng bata ang kanyang uncle.

May pagkakataon din na noong nag-Asian cruise kami para sa first season ng reality TV series nila sa E! Asia ay nagkakasama sa isang room sina Richard at Raymond, kaya tingin nang tingin si Zion sa dalawa at parang confused din.

Tawa na lang kami nang tawa.

So, kung ganoon din ang eksena kay Baby Kai ngayon, hindi na talaga nakakapagtaka na ma-confuse rin ito, huh! (Jun Lalin)

Richard, Sarah isang buwan sa Europe

Anyway, noong weekend, sa Solaire nag-stay sina Richard, Sarah, Zion at Baby Kai.

Si Zion ang mas nag-enjoy sa bonding na ‘yon ng kanyang pamilya kung saan ay nag-celebrate na rin sila ng Father’s day!

Today nga pala ay paalis ang apat, kasama ang nanay ni Sarah na si Esther Lahbati at ang yaya ng mga bata, pa-Europe, kung saan ay dadalawin din nila sa Sweden ang tatay ng aktres, si Abdel Lahbati.

Bale isang buwan ang bakasyon nilang ‘yon at pagbalik ay sasalang na naman sa work si Richard at aalis na naman ng July 26 para sa isang Filipino event sa Florida on July 28 na sponsor ang TFC (The Filipino Channel).

Ogie pabalik-balik sa Australia dahil kay Sarah

Isa sa mga showbiz Dad na kinabibiliban ko ay ang mister ni Regine Velasquez-Alcasid na si Ogie Alcasid.

Kahit gaano kasi ka-busy sa kanyang showbiz career ang singer/songwriter, palagi pa ring priority sa kanya ang mga anak na sina Leila, Sarah at Nate.

Ngayong July 6 nga, aalis si Ogie pa-Australia dahil dadalawin niya ang anak na si Sarah na kasama roon ng ex-wife niyang si Michelle van Eimeren.

Nang tinanong ko kahapon si Ogie kung ano’ng special occasion at dadalawin niya ang kanyang second child, sinabing, “Just have to visit her. Haven’t seen her since Christmas!”

O, ‘di ba, ang sweet na Dad ni Ogie, huh!

Then, tatapusin lang niya ang kanyang OA 30th anniversary concert sa Araneta Coliseum on August 26 (bale birthday concert din niya ito dahil 51 na siya on August 27) at pupunta raw uli siya sa Australia ng September para naman sa birthday ni Sarah.

Para nga sa mga anak, walang kapaguran si Ogie.

Noong sa Australia pa rin nakatira si Leila, ang dalas-dalas ding pumunta roon ni Ogie kapag birthday ng kanyang panganay.

Ang maganda lang talaga ay friend pa rin ni Ogie ang ex-wife niya, pati ang mister nito na si Mark Murrow.

Kapag magkakasama nga sina Ogie, Regine, Michelle at Mark ay parang magbabarkada talaga sila at ang ganda-gandang tingnan ng samahan nila! (Jun Lalin)

Jackie, Lauren ‘most hated’ ng mga fan

Sina Jackie Rice at Lauren Young ang most hated ngayon ng mga fan na hook na hook sa two afternoon series ng GMA 7, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka (kung saan naka-cast ang una) at ang Contessa (na main kontrabida ang sister ni Megan Young).

Hate na hate nila si Jackie kapag pinahihirapan niya si Yasmien Kurdi sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka at si Lauren naman ay type nilang sabunutan dahil sa pagiging kontrabida sa Contessa.

Anyway, ang tingin din ng marami sa character ni Jackie sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka ay sobrang desperada dahil sa paghahabol sa character ni Mike Tan.

Sa showbiz, maraming mga aktres na katulad ng character ni Jackie sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka na sobrang desperada na rin ang dating dahil sa kahahabol sa mga aktor na type nila, ‘noh?!

Ganun din naman ang karakter ni Lauren sa Contessa na desperadang makuha muli si Geoff Eigenmann, ha!