Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baby Jude nilait: Janella, Markus niresbakan ang basher

0 40

Hindi na kinaya, kaya hindi na pinalampas pa ng mag-partner na sina Janella Salvador at Markus Paterson ang ginawang pamba-bash, panlalait sa kanilang months old baby pa lamang na si Baby Jude.

Parehong nag-post sa kanilang Twitter account ang dalawa. Si Markus ay pinost ang mismong screenshot ng actual na panlalait ng netizen na may pangalang Gabriel Anunciacion.

Nag-comment ang basher sa ipinost ng actress na si Erich Gonzales sa kanyang social media account kunsaan, nadalaw na nito si Baby Jude at ipinost niya ang iba’t ibang kuha na karga niya ito. Tuwang-tuwa pa si Erich sa post niya na aniya, “Hey, Jude! So happy to finally meet you. You are so adorable.”

Binati rin nito si Janella ng happy birthday.

Pero nag-comment ang basher at talagang nilait si Baby Jude. Sey nito, “jusko po panginoong mahabagin bat ganyan ang mukha ng batang yan.”

SM food to go Banner Ad

May mga natawa sa post ng basher, may tila sumang-ayon pa na nagsabing, “parang cabbage patch” pero mas marami ang napadasal na lang para sa basher. May mga nagalit siyempre, lalo pa nga’t baby na walang kamalay-malay ang nilalait nito.

Hindi pa rin tumigil ang basher at may pahabol pa, this time, sa mga netizen na hindi sang-ayon sa kanya.

Sabi pa nito, “putanginanyo ring lahat ayaw nyo pa aminin na makasalanan ang mga tao kaya may ipinanganak na ganyan mga gago.”

Ang ama ni Jude na si Markus ay nag-tweet nang, “Let’s be honest. I’m no stranger to bashing. But come for my son and I will come for you. People like this make me sick, wala pang isang taon anak ko and ya’ll making fun of a NEWBORN. Not gonna erase the names, proud nyo eh.”

Si Janella naman ay pinost ang mismong account at close-up picture ng basher ng anak.

At saka ito nag-tweet nang, “Your humor must be really fucked up to make fun of a baby. I can take all the bashing in the world directed at me with grace, but direct it at my innocent son and you’ll definitely hear from me. PS you sure about making fun of Jude’s face? You sure, bud? Sure na? Yikes. Ayt.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.