Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baby ipinanganak sa ere

0 44

Isinilang sa ere ang isang sanggol na babae sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight mula sa Doha, Qatar pa­puntang Maynila.

Ang baby na si Scarlett Ann, ay ipinangalan sa isa sa mga flight stewar­dess na tumulong sa kanyang inang si Teresa May Buiza.

Si Scarlett ay napaanak sa ere dalawang oras bago lumapag ang eroplano sa Maynila dakong alas-7:20, Nobyembre 20 ng umaga. Kabilang siya sa may 320 pasahero sakay ng PR685.

Sinabi ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na humingi ng tulong si Teresa dahil sa pananakit ng tiyan nito na noon ay kabuwanan na.

Hindi naman nagdalawang-isip ang cabin crew, sa pangunguna ni purser Ruby del Rosario, Merian Buan Ventura, Philip King Aguilar, Marc Anthony Cue, Clinton Ros, Ann Claire Reboron, at Scarlett Mercado. Nabatid na sina Merian at Philip ay mga re­gistered nurse at ang eroplano ay pinapatakbo ni Capt. Rainiel Viola.

Samantala, ayon kay Cielo, dala­wang pasahero na kapwa nanay ang nag-donate ng mga damit kay Baby Scarlett Ann.

“We are posting these i­mages with permission from the happy mother Teresa May Buiza, who decided to name her baby after our flight attendants who were on hand to assist every step of the way,” ayon sa PAL official.

Maayos namang nailipat sa pagamutan ang mag-ina matapos na lumapag ang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.