Una sa Balita

‘Baby Elias Modesto’ nina Ellen, John Lloyd ‘di pa binyagan

By
0 3,255

Kahapon ay nakatsikahan ko ang isang friend from Cebu na malapit sa isang auntie ni Ellen Adarna.

Kilala sa society world ng Cebu ang auntie na ‘yon ni Ellen. Actually, galing sa buena familia ang lovey-dovey ni John Lloyd Cruz, kaya naman kilalang-kilala at nirerespeto sila sa lugar na ‘yon.

Noong Saturday raw ay nagkasama sila ng auntie ni Ellen sa isang wedding doon.

Nagkaroon ng kumustahan tungkol sa baby boy nina Ellen at John Lloyd.

Hindi na rin naman kasi lihim sa mga taga-Cebu na nanganak na nga si Ellen at ang sabi raw ng auntie niya ay, “Ang cute-cute ng apo ko!”

Very proud lola nga ang auntie ni Ellen.

So, ano na ba talaga ang istorya tungkol sa sinasabing binyagan na tinag ni John Lloyd na fake news?

“Hindi pa raw kasi nabi­binyagan ‘yung bata.

“Hindi ko pa sure kung kailan ang binyagan, pero ang sabi ni Tita (pangalan ng auntie ni Ellen), Elias Modesto ang ipapangalan sa baby boy. ‘Yun ang sabi sa akin. Auntie ‘yon ni Ellen, kaya naniniwala ako.

“Hindi naman siguro magsasabi ng ganoon si Tita ______ kung hindi naman totoo. Wala namang dahilan para paikutin niya kami. Saka napakabait ng taong ‘yon!” sabi pa ng friend ko.

Kapag nakakakuwentuhan din nila ang auntie na ‘yon ni Ellen ay puro magaganda raw ang sinasabi tungkol sa kanyang ‘manugang’ na si John Lloyd.

Actually, kahit naman ang mga taong nakakasama ng aktor sa Cebu ay nagsasabing sobrang bait ni John Lloyd.

Feeling nga nila ay adjusted na rin si John Lloyd sa lugar nila.

“Saka hindi raw nag-aastang artista si John Lloyd. Mukhang ayaw na kasi talaga niyang mag-showbiz, kaya astang simpleng tao lang naman si John Lloyd kapag nandirito Cebu.

“Saka mabait si John Lloyd, kasi ‘yon ang sinasabi ng mga nakakasama niya rito sa Cebu,” pahayag pa ng friend ko.

Siguro naman hindi ita-tag ni John Lloyd na fake news ang itsinikang ito sa akin ng friend ko, ‘noh?!

***

Aliw ako sa dialogue ni Mother Lily Monteverde sa akin noong Saturday nang magkausap kami sa cellphone.

“Jun Lalin, sinulat mo na namamato ako ng telepono. Hahaha!” sey ni Mother Lily na tumatawa at hindi naman nanunumbat.

At least, hindi tinag ni Mother Lily na fake news ang sinulat ko rito sa Abante, huh!

Hahaha!

Mother Lily aliw sa pamamato ng telepono

Aliw ako sa dialogue ni Mother Lily Monteverde sa akin noong Saturday nang magkausap kami sa cellphone.

“Jun Lalin, sinulat mo na namamato ako ng telepono. Hahaha!” sey ni Mother Lily na tumatawa at hindi naman nanunumbat.

At least, hindi tinag ni Mother Lily na fake news ang sinulat ko rito sa Abante, huh!

Hahaha!

#TheFirstClash super trending agad

Ang #TheFirstClash ang hashtag ng The Clash noong Saturday na pilot telecast nila.

Nag-trending sa Twitter ang hashtag na ‘yon ng singing competition show na iniho-host ni Regine Velasquez-Alcasid.

Ayon sa mga taga-‘The Clash’, maganda ang feedback sa pilot episode nila.

“Nagustuhan po ng vie­wers, kaya they’re still twee­ting about it!” sabi ng taga-GMA 7 na nakatsikahan ko pagkatapos ng airing ng pilot telecast ng The Clash.

Favorable rin daw ang feedback ng viewers sa pagiging judges nina Lani Misa­lucha, Christian Bautista at Ai-Ai delas Alas sa show.
Nakatulong din daw ang backstage hosts na sina Andrew Paras at Joyce Pring.

May mga nagsasabi pa nga na magaling na host si Joyce at puwedeng-puwede siyang mapasikat ng Kapuso network, huh!