Una sa Balita

Baby boy ni Saab bumubuti na ang kalagayan

By
0 2,401

Dinamayan ni Maxene Magalona ang kapatid na si Saab Magalona nang ilantad nito ang pagkamatay ng anak na babae. Sa isa namang post ni Saab, itinabi niya sa puntod ng amang si Francis Magalona ang paglibing sa anak.

Sa IG post ni Maxene, inilabas niya ang pic nila ni Saab noong bata pa sila na may kasamang caption na, “Sending love to my baby sister.”

Inilabas din niya (Max) ang picture ng kasal ng kapatid na buntis.

“We will always be here for you.”

Samantala, ang anak namang lalaki ni Saab ay bumubuti na ang kalagayan habang nasa Neoternal Intensive Care Unit ng hospital.

Bianca nasaktan sa panlalait sa kaseksihan

Nasaktan si Bianca Umali sa mga comment ng ilang netizen nang ilantad niya ang beach body niya sa Instagram nitong nakaraang araw tulad ng ‘porke 18 years old na siya eh puwede na siyang magpakita ng katawan’.

Birthday kasi ni Bianca noong time na nasa beach siya at nagsuot ng two-piece bikini.

“It wasn’t my intention na 18 na ako kaya magpu-post na ako ng ganito. Hindi ganun,” rason ni Bianca sa interview ng GMANetwork.com.

Dumalo sa kasal ng kapatid sa Sorsogon si Bianca noong araw ng debut niya. Nagsuot siya ng bikini hindi dahil legal age na siya.

Naku, sa isang eksena nga sa Kambal, Karibal, nagsuot din siya ng swimsuit. Pangit naman kung nakadamit siya habang nasa pool, huh!

Pangabog kaya ang katawan ni Bianca kaya inggit lang ang iba sa kanya, huh!

Speechless naman ang reaksyon ng ka-loveteam niyang si Miguel Tanfelix sa sexy fotos ng kapareha.

“Okay maganda. Crush ko siya. Speechless,” sey ni Miguel sa kanyang interview.