Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baby, 3 pa sinaksak ng senglot

0 105

Sugatan ang isang 11-buwang gulang na sanggol habang sugatan ang tatlo pang kasama nito nang pasukin ng lasing na lalaki ang kanilang bahay at nag-amok sa Trece Martires City, Cavite.

Kabilang sa mga biktima sina Joenald Lozada, 19; Ronnie Patac, 22; at Juan Carlo Manape, 21, pawang residente ng Expansion Southville Brgy. Inocencio.

Sa presinto na nahimasmasan ang suspek na si Jhonniu Batalla, 21, binata, isang welder residente rin sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, mahimbing na natutulong ang mga biktima nang walang sabi-sabing pinasok ng suspek ang kanilang bahay, naglabas ng patalim at inundayan ng saksak ang mga natutulog na biktima kasama ang sanggol dakong alas-12:10 ng madaling-araw kamakalawa.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo ng suspek pero nabatid na lasing ang suspek nang pinasok nito ang bahay ng mga biktima at gawin ang pananaksak.

Kasong multiple physical injuries in relation to RA 7610, trespassing at light threat ang kinakaharap ng suspek. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.