Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Babuyan sa Region 2 binaldado ng ASF

0 63

Pinangangambahan ang lalo pang pagsirit ng presyo ng karneng baboy dahil sa patuloy umanong pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa industriya ng babuyan sa Region 2.

Ayon kay Department of Agriculture-Region 2 (DA-R2) regional director Narciso Edillo, kulang ang supply ng karneng baboy sa rehiyon dahil namatay ang halos lahat ng breeder ng mga alagang baboy bunsod ng ASF.

Dahil dito kung kaya’t takot pa rin aniya ang mga hog raiser na mag-alaga ng mga baboy dahil sa banta ng ASF. Nabatid na wala pa rin umanong bakuna kontra ASF kung kaya’t naalarma ang ilan na magbakasakali.

Pahirap din aniya ang mataas na presyo ng feeds dahil sa walang patid na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Umaabot sa P330 hanggang P350 ang kada kilo ng karne ng baboy ngayon sa mga pamilihan sa Region 2. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.