Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Babu na sa showbiz: Beteranang aktres nakabingwit ng mayamang politiko

0 166

May nakarating sa akin na chika na hindi na muna tatanggap ng mga TV project ang beteranang aktres.

Ayon sa chika ay may karelasyon dawn a mayamang politiko ang beteranang aktres, at ayaw na muna siyang pagtrabahuin.

Aba maganda kung ganun at makapagpahinga muna siya, at ibigay ang atensyon sa mga anak at sa bagong karelasyon.

Samantala, kaloka na kung bakit kaya nagtatampo sa akin ang isang negosyante na kahahalal lang sa isang posisyon. Naisulat lang naman namin na nagbabakasyon siya kasama ang ilang kaibigan bago mag-umpisa ang kanyang trabaho. Normal naman sa mga politiko ang magbakasyon sa ibang bansa bago sila mag-umpisa ng trabaho nila. Siya rin naman ang nagsabi na wala naman silang itinatago at nagpo-post pa sila sa social media.

Hay naku. Enjoy na lang.

Jeric bida rin sa ‘Start Up’

Nagkaroon ng pagkakataon ang ilan sa kasamahan namin sa panulat na makatsikahan ang mga batikang direktor ng ‘Start Up PH’ na sina Jerry Sineneng at Dominic Zapata via zoom.

Inilahad nga nila ang mga experience nila working with different actors na nasa cast ng ‘Start Up PH’.

Bale second project ito ni Direk Jerry Sineneng from the time he transferred to GMA from ABS-CBN.

Siyempre ilang beses na niyang nakatrabaho si Bea Alonzo na galing din sa Kapamilya network. Mas kilala namin si Direk Jerry as a movie director although marami rin siyang mga TV project na nagawa sa Kapamilya Network.

Puro papuri ang dalawang director sa performance nina Bea at Alden Richards. Nakitaan nila ng chemistry ang dalawa, at mahusay raw na nagawa ang mga eksena.

Special mention naman ni Direk Dom si Jeric Gonzales dahil sa pinakita nitong galing sa role na binigay sa kanya.

Lagi raw itong nagtatanong sa director kung ok ba sa kanila ang atake o pag-arte niya sa bawat eksena.

In-emphasize pa ni Direk Dom na hindi supporting role si Jeric kundi lead siya at kahanay nina Alden at Bea.

Kung may pagbabago man daw sa ibang parte ng ‘Start Up PH’ ‘yon ay inayon lang sa panlasa ng Pinoy viewer, at may approval ng Korean Productions na may-ari ng original Start Up.

Hindi namin naitanong kung anong role ni Nino Muhlach at bakit noong isang araw lang siya nag-start magtaping. Nakakatuwa at may mga dalang ensaimada si Nino galing sa bakery niya.

Sa August na yata eere ang ‘Start Up PH’ at nakaabang na rin ang gagawin nina Bea at John Lloyd Cruz na teleserye rin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.