Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Baboy’ ni Goma miss na ni Lucy

0 219

Mistulang isang zoo pala ang bahay nina Ormoc City Mayor Richard Gomez dahil sa iba’t ibang hayop na pakalat-kalat doon.

Bukod sa aso, pusa, manok at iba pa, meron ding alagang native na baboy si Goma, na pinangalanan nyang Hamlet. Hindi itinuturing na lilitsunin ang baboy dahil bukod sa malaya itong nakakapasyal sa loob ng bahay, pinapakain pa ito ni Goma sa kanyang kamay.

Ibinahagi ni Goma ang video kung saan sinusubuan pa niya ng grapes ang itim na baboy. Aliw na aliw na kinakausap nito ang baboy habang pinapakain.

Pinanggigilanat kinamot-kamot pa nito ang katawan ng baboy.

Itinuturing na pet animal ni Goma ang baboy na parang gaya sa aso.

Aprubado naman ni Ormoc City Representative Lucy Torres-Gomez ang paga-alaga ng asawa ng baboy sa loob ng bahay. Base sa comment ni Lucy, nami-miss na nya ang baboy.

Mas madalas sa Manila si Lucy dahil sa session nito sa Kongreso. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.