Una sa Balita

Baboy na imported dahilan ng ASF

0 403

Dear Abante,

Magandang araw po sa lahat ng mambabasa ng Abante!

Itong mga nakaraang buwan ay talaga namang ­nakakabahala ang sunod-sunod na balita patungkol sa African Swine Flu (ASF) na kinamatay ng mga baboy sa iba’t ibang parte ng Luzon. Kung tutuusin hindi sana magkakaroon o makakapasok sa ating bansa ang sakit na ito kung hindi hinayaan ng gubyerno ang pag-aangkat ng mga baboy mula sa ibang bansa. Tingin ko kasi ang mga imported na baboy na ito ang nagdala ng ASF sa bansa.

Maling-mali ang pamahalaan sa pagpayag na mag-angkat ng mga baboy sa ibang bansa, gayundin ang mga isda. Hindi ko makakalimutan ang balitang nabasa ko patungkol sa pag-angkat ng galunggong sa ibang bansa eh kung tutuusin tayo ay mayaman sa lamang dagat dahil napapalibutan na tayo ng samu’t saring anyong tubig.

Dapat na ipahinto na ng pamahalaan ang pagpayag sa pag-aangkat ng baboy o isda man sa ibang bansa mas pagtuunan na lamang nila ng pansin ang pagpapayabong ng ating sariling agrikultura. Nawa’t sa pamamagitan nito’y wala nang makakapasok na ibang sakit sa ating bansa.

Gabriela Sison

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy