Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Baboy mula Luzon bawal pa rin sa Cebu

0 136

Ipagpapapatuloy pa rin ng Cebu ang ban ng mga baboy at iba pang produkto na gawa nito na manggagaling sa mga lugar na may kaso ng African Swine Fever (ASF).

Sabi ni Governor Gwendolyn Garcia, kailangan pa ring sundin ng madla ang kanyang mga executive order hinggil sa ban sa mga produktong baboy mula Luzon at iba pang lugar na tinamaan ng ASF hanggang dumating ang panahon na kailangan na itong tanggalin.

Desisyon ito ng gobernador habang papalapit na ang Kapaskuhan, kung kailan inaasahang tataas ang demand sa mga pork product.

Samantala, tiniyak ni Provincial Veterinarian Dr. Mary Rose Vincoy sa publiko na hindi magkukulang ang suplay ng mga produktong baboy sa Cebu kahit pa may ban. Ito aniya ay dahil pansamantalang tigil-operasyon ang mga hotel at kainan dulot ng pandemyang COVID-19.

“We actually have an oversupply due to the pandemic,” sambit pa ni Vincoy sa isang ulat. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.