Una sa Balita

Baboy galing Luzon, Mindanao ban sa Leyte

0 305

HAHARANGIN na sa Southern Leyte ang mga ­papasok na baboy at mga meat product na ­galing sa Luzon at Mindanao, kasunod nang kautusan na ­nilabas ni Governor Damian Mercado bilang ­hakbang para maprotektahan ang lalawigan sa ­pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Mananatili umano ang pag-ban sa mga baboy at anumang produkto nito hanggang sa ideklara ng Department of Agriculture na wala nang ASF sa ­Luzon at Mindanao.

Ang iba namang produktong galing sa baboy mula sa iba pang bahagi ng bansa ay ­papayagang makapasok sa lalawigan sa kundisyon na ito ay ­sumunod sa mga ­kahingian ng ­National Meat ­Inspection Services para sa transportasyon nito.

Una nang nagdeklara ng ban si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa mga baboy at iba pang pork product na galing sa Davao Region.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More