Una sa Balita

Babawi na lang kami – Arwind walang sisihan!

By
0 729

NATAPOS ang season ng perennial contender San Miguel Beer nang sipain ng Alaska 96-85 sa Cuneta Astrodome Miyerkoles ng gabi.

Hanggang quarterfinals ng PBA Governors Cup lang ang inabot ng Beermen.

“Nakakalungkot natalo tayo,” bungad ni Arwind Santos paglabas ng dugout. “As usual, sasabihin sa amin ng coach, ready kami sa next conference. Wala raw naman kami dapat i-blame sa bawat isa. Sana nga, sabi n’ya ‘yun.”

Nangapa sa umpisa pa lang ng season-ending conference ang San Miguel, lalo nang hind makalaro si June Mar Fajardo sa unang 9 games. Pagkatapos ng Commissioner’s Cup Finals ay ipinahinga ng four-time MVP ang fractured shin.

No. 6 ang SMB pagkatapos ng eliminations, nagka-handicap ng win-twice kontra No. 3 Aces. Pero hindi na inaksaya ng Alaska ang twice-to-beat edge, dinaan sa isang bigwasan lang ang Beer.

“Siguro pinakita ng Diyos na hindi kami lagi nandun sa top, kailangan bumaba din kami, dumaan kami sa baba, bumalik kami sa lupa tapos magsimula ulit,” dagdag ni Santos.

Gagawing motibasyon ng Beermen ang maagang exit para paghandaan ang paghahabol sa panlimang sunod na titulo ng Philippine Cup sa susunod na season umpisa January.

“Alam naman natin na pang-five-peat namin ‘yun (all-Filipino). Sa amin mga player, gustong-gusto namin ‘yun,” dagdag ni Santos.
“Dumidepende lang kami, kasi siyempre hindi namin kontrolado kung paano kami gagamitin ng mga coach. Sana maganda pa rin ‘yung ano namin, rotation.”

Sa huling laro ay may 8 points si Santos na 3 of 8 mula sa field at 2 for 4 sa 3-point range, nagbaba ng 8 rebounds at may isang assist sa loob ng 21 minutes.