Una sa Balita

Babangon ang MBC at DZRH sa trahedya

0 482

Nadamay sa pagkasunog ng Star City noong madaling-araw ng October 2, 2019 ang Manila Broadcasting Company. Ang MBC ang nagmamay-ari ng mga radio station na DZRH, Love Radio, Easy Rock at Yes FM. Pawang popular ang mga istasyong ito, lalo na ang DZRH na kauna-unahang himpilan ng radyo sa Pilipinas.

Nang malaman ko ang naganap na insidente sa Star City at sa MBC ay agad akong nagpalabas ng official statement:

“It is a sad day for broadcasting as the recent fire in Star City has badly damaged the office of the Manila Broadcas­ting Company and has affected the operations of DZRH, the oldest radio station in the country. We at the PCOO are equally saddened by how this will affect the emplo­yees of the MBC and the theme park.

“We trust that the authorities will work hard to determine the cause of the fire and call on concerned government agencies to extend any form of assistance to those affected by the fire.

“We look forward to DZRH going back on-air as soon as possible and to the recovery of everyone affected.”

***

Mula pagkabata ko ay mahilig na akong makinig sa radyo, and in fact, isa sa mga hobby ko ngayon ay ang magkolekta ng vintage radios. Karamihan sa mga uncle ko noon ay nasa gobyerno, at nang nag-aaral na ako rito sa Maynila at sama-sama kami sa isang apartment, tuwing umaga ay nakatutok sila sa pakikinig ng balita sa DZRH habang naghahanda sa pagpasok sa opisina.

Namana ko sa kanila ang pagiging aware sa current issues, kaya kahit nagbabasa ako ng diyaryo tuwing noong estudyante pa lang ako, lagi rin akong naka-tune in sa DZRH para sa mga bagong putok na balita.

Alamat ang DZRH pagdating sa kanilang mga programa. Ang kanilang mga dula ay masugid na sinusubaybayan ng ating mga kababayan lalo na sa mga kanayunan. Pagdating naman sa pagbabalita, isa ito sa mga pinagkakatiwalaan ko na radio station mula noon hanggang ngayon, lalo na sa mga activity ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng aking tanggapan, ang Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO), nang pumasok ang administrasyong ito noong 2016. Kaya naman nalungkot ako nang sobra sa nangyari.

Kamakailan ay naging guest ako at nag-recording para sa
TV episode ng programa ni Atty. Romy Macalintal. Malapit na rin sanang mag-umpisa ang radio program ko na “Mediaman” kasama si Henry Uri. Kapag normal na uli ang operasyon at naayos na ang mga kagamitan na na-damage, baka magsimula na kaming umere.

Sa pagiging PCOO secretary ko ay nararating ko at nasisilip ang mga pasilidad at equipment sa pagbo-broadcast sa ibang bansa. Dahil nakakalibot din naman ako sa loob ng MBC, bilib na bilib ako sa kanilang studio setup na kayang makipagsabayan sa ganda ng mga nakita kong media outfit sa Asia.

Napaka-presentable, high-tech at kumpleto dahil meron silang station for love songs, popular music, nationwide news, at nationwide TV. Hindi nakapagtataka na number one sila dahil numero uno rin ang mga talent at moderno ang mga kagamitan.

Babangon ang MBC at ang DZRH sa pagsubok na ito, at ang kanilang mga programa ay patuloy na mapapakinggan at mapapanood ng kanilang milyun-milyong tagasubaybay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy