Una sa Balita

Babangon ang Marawi

By
0 7

Isa sa dahilan bakit umiinit ang ulo ko kung binubuka ng ating Bise Presidente ang bibig niya ay dahil palagi may sinasabi siyang kamangma­ngan.

Kamakailan lang, binulalas niya na dapat ay huwag na lang ­ayusin ang Marawi City at ipreserba ito para ipaalala sa lahat ang nangyari.

Ano raw?

Abante Hiring – IT dep

Marahil mahilig igunita ni Leni ang pagiging biktima ng Filipino pero karamihan sa atin ay gusto nang kali­mutan ang bangungot dulot ng mga Maute.

Hindi natin dapat hinahayaan na nakatiwangwang ang mga pasa ng digmaan kahit tayo pa ang nanalo nito dahil may mga bagay na dapat nating ayusin para sa ikagaganda ng damdamin ng bawat mamamayan.

Kung hindi natin ibabangon ang Marawi City sa lalong madaling panahon, ito ay isang malagim na simbolo na minsan ay naghari ang terorismo sa Pilipinas.

Related Posts

Marahil, isang napakala­king hakbang ang ayusin ang siyudad dahil halos $8 bilyon ang kailangan upang tuluyan na ibalik ang Marawi sa dating katanyagan nito.

Pero, mga Filipino tayo. Lahat ay kaya na­ting gawin kung tayo ay nagkakaisa.

Siguro, itinadhana na mangyari sa Marawi ng Diyos o ni Allah upang pilitin ang pagkakaisa ng mga Filipino, Muslim man o Kristiyano, dahil hindi pa nahihilom ang sugat dulot ng pagkawatak-watak natin noong nakaraang eleksiyon.

Kahit marahil gusto ng mga kalaban ng Estado na manatili ta­yong magkaaway dahil sa relihiyon o pulitikal na paniniwala, hindi sila magtatagumpay dahil alam ko na mananaig ang ating pagmamahal sa bayan.

Sa kasalukuyan, ako, si Jimmy Bondoc, at si Asec Mocha Uson ay nagsimulang ilunsad ang Bangon Marawi na isang fundraising sa www.gavagives.com upang hikayatin ang bawat Filipino na tumulong upang itayo muli ang Marawi.

Bawat piso na ibibigay ninyo ay ibibigay namin mismo sa Presidente para ayusin ang nagibang pangarap ng ating mga kapatid na Muslim sa Marawi.

Tulong po tayo, mga mahal kong kababayan.