Una sa Balita

Babalik na si ‘The Beast’

0 572

GOOD news sa lahat ng Calvin Abueva fans, malapit nang bumalik sa paglalaro si “The Beast”.

Under observation pa itong mamang ito.

Titignan ng Commissioner’s Office kung magre-relapse siya sa kanyang mga gawain sa loob at labas ng court.

Sana ito ay magsilbing aral kay Calvin at sa lahat ng mga manlalaro na may malaking responsibliidad sa fans, kompanya, eskwelahan at produkto na kanilang dinadala, na maraming nag-iidolo sa kanila at dapat ay maging ehemplo sila sa bawa’t pagkakataon.

***

May linaw na rin ang mga koponan na malamang pumasok sa NCAA Final 4. Liyamado ang San Beda, Lyceum, Letran at Mapua.

Tumagilid ang Benilde at EAC.

***

Medyo nakakaalarma nitong mga nakaraang linggo ang reklamo ng mga manlalaro ng MPBL na hindi sila binabayaran ng sweldo na umaabot sa 3-4 na buwan.

Sana matugunan ito nila Comm. Kenneth Duremdes at kanyang partner na si Zaldy Realubit.

Maliban sa hindi pagtanggap ng sweldo ng manlalaro, sila ay napaghihinalaan sa kanilang paglalaro.

Kaawa-awang mga player. Malaki ang tiwala natin sa kakayahan ni Sen. Manny Pacquiao na hindi niya pababayaan ang mga team na naghihingalo at mga player na hindi na binabayaran kahit ang mga ito ay may mga kontrata pa.

***

Merong basketball try out para sa Nueva Ecija team na gaganapin sa Lakewood Golf & Country Club, 2pm, Oct 12, 2019.

Tsansa ninyo na ito para mai-represent ang inyong bayan para sa isang tunay na homegrown na paliga ng National Basketball League (NBL).

Maari ninyo ding kontakin si team manager Doc Eman sa 0917-8736788.

Sa Oct. 19 naman pupunta kaming mga PBA Legends sa Nueva Viscaya para magpaunlak ng laro sa ating mga kababayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy