Una sa Balita

Babala ni James: “I’m getting better!”

0 1,173

MAGANDANG senyales sa Los Angeles Lakers ang resulta ng huling apat na laro pagkatapos bumalik ni LeBron James mula left groin injury.

Tinambakan sa Indiana ng 42 points noong Martes, bumawi ang La­kers nang nakawan ng panalo ang Boston Celtics 129-128 sa buzzer-beater ni Rajon Rondo nitong Huwebes.

Mula nang bumalik si James, 2-2 ang Los Angeles, mukhang nakakabuwelo na muling pumasok sa top eight ng Western Conference.

Sa unang laro sapul noong Christmas Day, nasagad ng 40 minutes si James dahil nangailangan pa ng overtime ang Lakers bago kinalos ang Clippers 123-120. Sa 115-101 loss sa Golden State, pinagpahinga si James.

Kontra Celtics, nagsumite si James ng 28 points, 12 rebounds at 12 assists.

Pangatlong Lakers player lang siya na naglista ng triple-double sa Boston kasunod nina Magic Johnson at Elgin Baylor.

“I’m starting to get more and more back to myself,” lahad ni James. “Every­ possession, every quarter, every­ time I take a hit, I’m able to nudge it off and keep going. I’m working my way back and I’m getting better and better every single minute.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy