Una sa Balita

Babala ng mga kalamidad sa panaginip

0 244

MGA ka-Misteryo, may panaginip ba kayong nangyari na sa tunay na buhay o sa mundong ginagalawan natin?

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, alamin ang totoo!”

Ilang beses nang may panaginip si Rodel ng Marikina na nagkakatotoo kung kaya’t nababahala siya sa kanyang panaginip kamakailan lamang.

Tatlong magkakasunod na senaryo ang ipinakita sa panaginip ni Rodel at ‘yan ay kanyang isiniwalat sa #TeamMisteryo.

Team Misteryo: “Nakakatakot ba ang mga panaginip mo? ‘Yan ba ay posibleng mangyari?”

Rodel: “Nakakatakot sa mga maaapektuhan kasi may dalawang kalamidad habang ang isa ay mahirap paniwalaan kung posibleng mangyari sa ating dimensyon.

Team Misteryo: “Ano ‘yung dalawang kalamidad?”

Rodel: “Ang unang kalamidad ay pagbaha at maputik pero hindi ko matiyak kung saan posib­leng mangyari maaaring sa Metro Manila o lungsod sa mga probinsya kasi kita ko ang mga gusali sa paligid at puro tubig. Ang isa ay sunog malapit sa isang condominium pero sana hindi madamay ang condo kasi sobrang lapit.”

Team Misteryo: “Ano naman ang ikatlong nakita mo sa panaginip na sinasabi mong maaaring hindi sa dimensyon natin mangyari?”

Rodel: “Ewan ko lang kung dapat paniwalaan pero matagal na rin itong nangyayari sa dimensyon ng mga ET alam mo naman mga ekstra-terestriyal — ang labanan nila na sumiklab na naman. Ipinakita sa akin ang mga naghahabulang flying saucer na isa sa kanila ay sumabog sa ere at ang iba ay bumagsak. Kaya ‘wag tayo mabibig­la kung may biglang bumagsak na spaceship sa ating kalupaan. Normal na ‘yung bigla silang sulpot sa ating kalangitan kapag nagkaaberya na akala natin ay bula­lakaw lang.

Alam naman natin na magkadikit ang dimensyon ng tao at mga nilalang na ‘yan.”

Maaaring mangyari o hindi ang mga pana­ginip pero mainam na pansinin natin para na rin sa ating kahandaan. Maraming pagkakataon na ang mga bantay natin o spirit guide ay nagpapahiwatig ng ganitong mga mensahe sa pamamagitan ng panaginip — literal man o simboliko ang kahulugan.

***

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng kababalaghan o misteryo, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsiba­yan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy