Una sa Balita

Babaeng top off’l ng NPA nabitag

0 406

Natimbog ng mga tauhan ng AFP at PNP ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa operasyon sa Laguna Martes (Set. 17) nang gabi.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Antonia Setias Dizon, 60-anyos, residente ng Villa Olympia Village, Barangay Rosario, San Pedro City.

Sa report ng Police Regional Office 4A, alas-11:50 nang gabi nang dakpin si Dizon sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas ni Acting Executive Judge Lou Nueva ng Regional Trial Court Branch 7 ng Bayugan City, Agusan del Sur.

Si Dizon na may alyas na Tonet ay kalihim ng National Organizing Department ng CPP/NDF/NPA at siyang pumalit sa mga dating naarestong sina Rafael Baylosis at Adelberto Silva.

Nakuha sa bahay ni Dizon ang isang cal. 380 pistol na may lamang mga bala, 48 piraso ng bala para sa cal 380, 10 piraso ng blasting cap at wi­ring, dalawang mobile phone, isang laptop at mga dokumento.

(Ronilo Dagos/Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy