Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Babaeng taga-Turkey, pinakamatangkad sa mundo

0 175

Pasok sa Guinness World Records ang isang residente sa Turkey bilang pinakamataas na babae sa buong mundo.

Si Rumeysa Gelgi, na may taas na 7 feet, .7 inch sa edad na 18 noong 2014, ay nakakuha ng ikalawang titulo matapos sukatin ng Guinness ngayong taon.

Related Posts

Siya ay ipinanganak na may Weaver syndrome, isang pambihirang kondisyon na nagiging sanhi ng patuloy at di mapigilang pagtangkad.

Dahil dito ay napilitan si Gelgi na gumamit ng wheelchair sa lahat ng kanyang pupuntahan, bagamat kaya niyang lumakad sa tulong ng ‘walker’ pero ito ay panandalian lamang.

“Every disadvantage can be turned into an advantage for yourself, so accept yourself for who you are, be aware of your potential and do your best,” sabi ni Gelgi sa Guinness. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.