Una sa Balita

Babaeng sabit sa droga niratrat sa Laguna

By
0 407

Kinilala ng Biñan City police ang biktimang si Ester Urbano alyas ‘Mura.’

Batay sa report ng pulisya, naglalakad ang biktima sa gilid ng riles nang biglang sumulpot ang nag-iisang suspek at pagbabarilin ang biktima dakong alas-11:30 ng umaga.

Bagama’t sugatan, nakatakbo pa ito sa loob ng kalapit na tindahan subalit sinundan pa ito ng suspek at niratrat pa rin habang nasa loob.

Nahagip din ng mga bala ang may-ari ng tindahan na si Emma San Juan.

Agad na tumakas ang hindi nakilalang suspek matapos ang pamamaril.

Subalit idineklarang dead-on-arrival si Urbano habang nilalapatan pa ng lunas si San Juan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy