Babaeng president sa Singapore

By

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng unang babaeng presidente ang Singapore, subalit umani ito ng kritisismo na ang pagpili sa kanya ay undemocratic matapos ibigay lamang sa kanya ang trabaho na walang botohan.

Si Halimah Yacob, dating speaker ng parliament mula sa Muslim Malay minority, ay hindi na pinadaan sa eleksyon matapos magdesisyon ang mga awtoridad na ibasura ang kandidatura ng kanyang kalaban dahil hindi umano nito na-meet ang legibility criteria.

Hindi ito unang nangyari sa Singapore—na mahigpit na kinokontrol at pinamumunuan ng parehong partido ilang dekada na—na dini-disqualify ng gobyerno ang mga presidential candidates, upang hindi na magkaroon ng eleksyon.

Subalit nagkaroon na ng lamat sa nasabing proseso dahil sa kauna-unahang pagkakataon na ang pampanguluhan ay ini-reserve para sa isang partikular na race, sa kasong ito ay sa Malay community. Ang desisyon na ibigay na lamang sa kanya ang trabaho na walang eleksyon ay nagdagdag ng galit.

Kumalat sa social media ang kritisismo bilang si Halimah, ‘a bespectacled 63-year-old who wears a headscarf, was formally announced as president-elect, with Facebook user Pat Eng writing: “Elected without an election. What a joke.”

“I will call her President Select from now on,” ani Joel Kong sa isang networking site, habang ang ilang posts ay minarkahan ng hashtag #NotMyPresident – na ginaya ang mensahe na ginamit ng mga Amerikano matapos mahalal si President Donald Trump.

Si Halimah ay naging miyembro ng parliament para sa ruling People’s Action Party sa loob ng halos dalawang dekada bago ito nagbitiw para tumakbo sa pagkapresidente.

Bilang reaksyon sa isyu, sinabi ni Halimah: “I’m a president for everyone. Although there’s no election, my commitment to serve you remains the same.” 

SHARE