Una sa Balita

Babaeng ngarag ang mukha pinaganda ni Korina

0 788

Inilantad na ng broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas ang sikreto ng kagandahan niya. At ito nga rin ang ginamit na pampaganda ng isang babaeng lumapit sa kanya para maayos ang ngarag nitong mukha.

Well, parami nang parami ang tumatangkilik sa K Magic line of skin and hair product essentials niya, na kanya ring ineedorso kasama si Jacque “Ate Girl” Gonzaga ng programang “It’s Showtime.”

Isa sa mga produkto nila na talaga namang pinuputakti ng libo-libong mamimili ay ang K Magic Skin Cream dahil sa mala-“magic” nitong epekto. Talagang kumikinis ang balat ng gumagamit nito. Sa ebidensya nga ng mga litrato ng mga user nito, halos instant nitong nililinis at pinapaputi ang balat kapag ito ay pinahid.

“Parang magic talaga,” sabi nga ni Korina tungkol sa kanyang produkto na FDA approved.

“Sobra-sobra ang pasasalamat ko at ni Ate Girl dahil nagustuhan naman ng mga tao ang K Magic Skin Cream. Pinag-isipan kong mabuti ang formulation nito at galing pa ng Switzerland ang mga sangkap nito,” sabi niya.

Nagliwanag ang mukha ni Korina nang pag-usapan ang bagong bersyon ng K Magic Skin Cream na espesyal para sa mukha. Kaya dalawa na ang uri ng K Magic Skin Cream. Isa para sa body, isa para sa face.

Buong ningning pang ibinida ng host ng “Ra­ted K” ng Dos, na may bagong timeslot at 6 pm tuwing Linggo, na loyal users mismo ng K Magic Skin Cream ang nagpapadala sa kanya ng personal na mga kamangha-manghang before and after photos na kanilang ipinagmamalaki.

“Nakakataba ng puso kasi nakikita ko talagang tumataas ang self-confidence nila at bakas ang kaligayahan sa kanilang mga mata dahil ang laki ng improvement ng kanilang mga balat. Nakakagulat ang mga transformation,” tuwang-tuwang kuwento ni Koring.

Naniniwala nga si Korina na lahat ng tao ay may taglay na kakaibang ganda. Walang pangit. Pakay ng grupo ni Korina na palakasin ang self-confidence ng bawat babae o lalaki, at ma-maximize ang potential ng bawat tao na gumanda nang todo sa pamamagitan ng mga murang-mura at epektibong produkto nito.

Madalas out of stock ang mga K Magic products kaya kapag nakahanap, dapat bilhin na. Sa dami rin ng nagtatanong kung paano makabili, nationwide na ngayon ito sa selected Mercury Drug Stores sa Luzon, Visayas at Min­danao.

Puwede ring bumili sa mga online shopping sites tulad ng Shopee at Lazada.

Mayroon din sa Victory Mall Pasay, Caloocan, at Antipolo, at sa mga selected Star Mall branches. Available na rin ito worldwide. Kahit anong bansa, made-deliver. Pumunta lang sa www.keverydayusa.com at puwedeng bumili online.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy