Una sa Balita

Babaeng nangapitbahay pinasabog ang bungo

0 364

Patay ang isang babae matapos na ito ay barilin sa ulo habang nanga­ngapitbahay sa Batangas City Biyer­nes ng gabi.

Dead on-the-spot ang biktimang si Connie Miñon, residente ng Brgy. Balagtas.

Batay sa report ng Batangas City police, alas-8:30 ng gabi, nakaupo sa harap ng bahay ng kanyang kapitbahay ang biktima nang malapitan itong barilin ng suspek na si Randy Dose y Gonzales.

Nagtamo ito ng isang bala sa ulo na agad nitong ikinasawi.
Tumakas naman ang suspek matapos ang krimen.

Inaalam pa ng mga pulis kung ano ang motibo sa pagpaslang sa biktima. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy