Una sa Balita

Babaeng nakakotse pinagbabaril sa Las Piñas

By
0 156

Patay ang isang babae nang tambangan ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang ang biktima ay sakay ng kanyang minamanehong sasakyan kahapon ng tanghali sa Las Piñas City.

Sanhi ng tinamong mga bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo at katawan ay namatay noon din ang biktimang si Rachel Fa­jardo Rivera, 35, naninirahan sa Daniel Fajardo, Tramo, Las Piñas City.

Sa report ni Sr. Supt. Marion Balonglong, hepe ng Las Piñas City Police, alas-12:18 ng tanghali nang maganap ang pananambang sa kahabaan ng Naga Road, Barangay Pulang Lupa nang nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng Station Investigation and Detective Management Branch, minamaneho ng biktima ang gray nitong Toyota Vios na may plakang ABR-6683 sa Naga Road nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki at sabay na pinaputukan ang kanyang sasakyan na agad nitong ikinasawi at mabilis namang tumakas ang mga salarin.

Ayon kay Balonglong, masusi silang nagsasagawa ng imbestigasyon sa motibo sa pagpaslang at inaalam din kung may nakalagay na CCTV camera at kung nahagip ang insidente para sa pagkakilanlan ng mga salarin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More