Una sa Balita

Babaeng mandurukot sa Marikina, arestado

By
0 1,190

ARESTADO ang isang babaeng snatcher matapos mabuking sa ginawang pandurukot sa back pack ng isang estudyante na nag-aabang ng masasakyan, kamakalawa sa kahabaan ng Sumulong Hi-way, Marikina City.

Batay sa report, agad na nagtungo sa Marikina PCP-3 ang biktima na si Omar Solano y Villarin, matapos na maramdaman ang ginawang pandurukot ng babaeng snatcher na si Sadie Vergara y Raymundo, 31-anyos ng Marikina City na nagkunwaring binunggo siya.

Ayon sa biktima, nag-aabang siya ng masasakyan pauwi bandang alas-2:20 kamakalawa nang hapon sa kahabaan ng Sumulong Hi-way, sakop ng Brgy. Sto. Niño nang bungguin siya ng suspek at agad niyang napansin na bukas na ang kanyang back pack at wala na ang kanyang cellphone.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy