Una sa Balita

Babaeng manager tinambangan sa Rizal

0 3,096

Iniimbestigahan ng pulisya ang pananambang sa isang babaeng nagtatrabaho sa bar makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem, kamakalawa nang gabi sa Rodriguez, Rizal.

Batay sa ulat mula sa Police Regional Office 4A, dead-on-the-spot ang biktimang si Marilou Villarin, floor manager ng Rein Zairin Resto Bar sa Barangay Manggahan matapos paulanan ng mga bala sa katawan ng hindi pa nakikilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Naganap ang pananambang bandang alas-11:55 Miyerkoles nang gabi sa harap ng pinagtatrabahuang resto bar.

Wala namang ideya ang mga kasamahan nito sa trabaho kung bakit pinatay ang biktima habang blangko pa rin sa motibo ang kapulisan at patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa insidente.