Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Babaeng konsehal 2 beses binoga sa ulo

0 55

Binaril ang isang barangay councilor ng Brgy. Mercado, Hagonoy, Bulacan nitong Miyerkoles.

Nasawi si Maria Romalie Buensuceso Aguilar, 45, matapos itong barilin sa ulo ng riding-in-tandem sa harapan ng kanyang hardware store sa Barangay Iba O Este, Calumpit, Bulacan.

Nilapitan umano si Aguilar ng mga suspek na nagkunwaring customer bago ito paputukan ng dalawang beses.

Kaagad na tumakas ang riding-in-tandem patungong McArthur Highway.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga pumaslang sa konsehal. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.