Una sa Balita

Babaeng gawad tiklo sa droga

By
0 4

Todo tanggi ang isang aktibong babaeng barangay kagawad sa Cavite City, sa kabila na nakumpiskahan ito ng mga ilegal na droga sa loob ng kanyang bahay, kasunod nang inihaing search warrant laban sa kanya, kamakalawa ng tanghali.

Inabot ng halos kalahating oras ang mga elemento ng Cavite City CPS, sa pagkatok pa lamang sa bahay ng suspek na si Evelyn Ruiz y Viray, barangay kagawad, bago ito lumabas at idinahilan nitong natutulog siya kahit pa umaandar ang washing machine sa loob ng bahay nito.

Nang magsimulang maghaluglog ang mga operatiba, naispatan agad ang plastic sachet na nag­lalaman ng shabu residue, kasunod nito’y wallet na may 11 plastic sachet ng hinihinalang shabu at shoulder bag na may 1 pang plastic sachet at Php 14,520 na hinihina­lang drug money.

Tinatayang nasa higi­t 10 gramo ang nakumpis­kang shabu sa suspek.