Una sa Balita

Babaeng dekano pinag-aaralan — Pope Francis

By
0 3

Bumuo na ang Vatican ng isang komisyon na mag-aaral sa historical role ng mga babaeng dekano sa Simbahang Katoliko.

Sinabi ng Santo Papa na ang nasabing komisyon ay para pag-aralan ang posibili­dad na pagkakaroon ng babaeng papasok sa Catholic clergy bilang deacon partikular sa Estados Unidos.

“Pope Francis expressed his intention to establish an official commission that could study the question” of the diaco­nate of women, “especially with regard to the first a­ges of the Church,” sa inilabas na kalatas ng Vati­can.

Abante Hiring – IT dep

Nabanggit ni Pope Francis na noong unang panahon ay may mga babae nang itina­lagang deacon pero hindi ito sigurado kung ano ang naging tungkulin ng mga ito.

Aminado naman si Pope na hindi sila maaaring magsagawa ng misa ngunit maaari itong gumawa ng gawain bilang kapalit ng pari.

Kabilang dito ang pagbibinyag at pangu­nguna sa mga prayer services at pagbibigay ng pastoral guidance sa mga deboto.