Una sa Balita

Babaeng 5-6 lender, 2 pa tsinugi

0 249

Tatlo ang nasawi kabilang ang isang sinasabing babaeng nagpapautang ng 5-6 sa magkakasunod na insidente ng pamamaril sa lalawigan ng Batangas noong Martes.

Kabilang sa nasawi ang 39-anyos na si Teresita Ednaco, na pinagbabaril habang kumakain sa R­hyponggi Tapsilogan sa Rizal A­venue, Brgy. 3, Batangas City alas-5:20 nang hapon.

Inaalam pa ng Batangas City police kung may kina-laman sa ginagawang pagpapautang ng 5-6 ng biktima ang motibo sa krimen.

Sa Lipa City, dead-on-the-spot ang negosyanteng si Norman Lirag, matapos barilin ng riding-in-tandem habang nakatayo sa likuran ng kanyang nakaparadang AUV sa Brgy. Rizal, alas-10:40 nang umaga.

Mabilis na nakatakas ang ‘di nakilalang suspek na sumakay sa isang Mio motorcycle patungo sa direksyon ng Ibaan-Rosario road.

Nasawi naman ang hinihinalang gun-for-hire member na si Richard Agnes, makaraang pagbabarilin habang naglalakad pauwi ng bahay sa Brgy. Hukay sa ba-yan ng Calatagan alas-3:30 nang madaling-araw.

Ayon sa pulisya, kila-lang basagulero sa kanilang lugar ang biktima at anak ng sectoral leader ng Haba- gat group na sangkot sa iba’t ibang criminal activities sa lalawigan. (Ronilo D­agos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy