Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Babaeng 2 linggo nawala, bangkay na natagpuan

0 74

Matapos ang dalawang linggong paghahanap, natagpuan ang mga labi ng isang babae sa Sitio Matiko, Morong, Bataan.

Kinilala ang bangkay ni Lorena Sacdalan na inulat ng kanyang mga kaanak sa Morong Municipal Police, na nawawala matapos umalis sa kanilang bahay.

Isa umano sa dahilan kaya hindi na nakauwi si Sacdalan ay dahil sa kapansanan nitong nag-uulyanin.

Nakilala ng kanyang mga kaanak ang biktima dahil sa suot nitong damit at pantalon.

Gayunpaman, magiimbestiga ang mga awtoridad kung may foul play sa pagkamatay nito. (Randy Datu)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.