Una sa Balita

Babae, sugal ‘di masamang bisyo — Duterte

By
0 2,875

Mistulang kinunsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibisyo gaya ng babae at sugal.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa mga tricycle driver sa Pasay City kamakalawa na hindi masama kung maraming babae o maraming bisyo ang isang tao.

Ang masama lamang aniya ay kung sa gobyerno kukunin ang gagamitin sa bisyo.

“Hindi naman masama ‘yung marami kang babae o marami kang bisyo. Marami kang sugal. Ang problema huwag mo lang kunin sa gobyerno. Diyan tayo nagkakadiperensiya eh,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na istrikto siya pagda­ting sa korapsiyon, patunay ang marami ng opisyal na sinibak nito sa puwesto.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya nagmamalinis dahil marami rin naman siyang mga kapintasan pero hindi aniya sa pera.

“I’m very strict about corruption. Hindi naman ako nagmamalinis. I do not proclaim myself as the cleanest guy in town. Meron din akong “but” of the matter, pero hindi ‘yan sa pera,” dagdag ng Pa­ngulo.

Aminado ang Presidente na dalawa ang asawa nito at mahina siya sa moralidad pero sa loob ng 23 taon nitong naging alkalde sa Davao City ay walang naging isyu sa kanya tungkol sa pera.

Pabirong pinayuhan ng Pangulo ang mga kapitan, konsehal at mayor na duma­lo sa summit na kapag nag-motel sa Maynila ay huwag gumamit ng maliit na sabon kapag naligo dahil mabubuko sila ng kanilang mga asawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy