Una sa Balita

Babae natusta, 35 pamilya nasunugan sa Caloocan

0 170

NATUSTA ang isang babae nang ma-trap sa nag-liliyab niyang bahay sa sunog na naganap sa Caloocan City kamakalawa nang hapon.

Kinilala ni F/Supt. Stephen Reguina ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nasawing biktima na si Alice Simbulan, 46-anyos, residende ng 4th Avenue, Brgy. 49 ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni FOI Zoren Cabugay, bandang alas-3:45 nang hapon nang masunog ang residential area sa 4th Avenue corner N­adurata St., Brgy. 49, Caloocan City na pag-aari ni Emmanuel San Juan.

Mabilis na kumalat ang apoy at naabo ang walong bahay kung saan aabot sa 35 pamilya ang mawalan ng tirahan.

Kaagad na nagresponde ang mga bumbero at umabot sa 75 fire trucks mula sa iba’t ibang lungsod ang nagresponde.

Idineklarang fire out ang sunog alas-5:45 nang hapon at habang nagsasagawa ng clea-ring operation ang mga bumbero, tumambad ang sunug na sunog na bangkay ng babae na nakilalang si Simbulan.

Sinabi ni FO1 Cabugay na na-trap sa apoy ang babae kaya kasamang natupok.
Umaabot sa P1.2 mil-yon ang halaga ng mga aria-arian na tinupok ng apoy.
Inaalam pa ngayon ng BFP ang pinagmulan ng sunog. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy