Una sa Balita

Babae na may ‘brittle bone’ tinulungan ng Rated K

0 313

Sa hangad ng Rated K na bigyang paglilinaw ang kaalaman ng tao sa “Brittle Bone” disease, isang bihira at malubhang sakit, tinampok nitong nakaraang Linggo (Mayo 19) ang kwento ni Mary Rose, isang babaeng 23 taon nang dinadala ang naturang sakit.

Nakakapanlumo at sadyang nakakalungkot ang sitwasyon ni Mary Rose—nagkabaluktok-baluktot ang kanyang katawan, hindi makaupo, at hindi nakakagalaw.

Isang malaking blessing nang ma-feature siya sa Sunday show. Natingnan siya ng isang doktor sa kanilang municipal hospital at doon pa lang nila nalaman na mayroon nga siyang “Brittle Bone” disease o osteogenesis imperfecta.

Dumulog sina Korina sa OI Philippines, isang grupong tumutulong sa mga taong may “Brittle Bone” disease. Ayon sa organisasyon, mahigit 100 na Pilipino na ang kanilang tinutulungan. Bukod sa medical assistance, mayroon din silang medical intervention o counseling sa mga magulang o pamilya ng may OI para matulungan silang mas maayos na alagaan ang kanilang anak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy