Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Babae may tulak ng baby stroller, binoga sa ulo

0 78

Todas ang isang babae matapos itong barilin sa ulo habang nagtutulak ng stroller ng kanyang tatlong-buwang gulang na sanggol sa New York City.

Kinilala ang biktima na si Azia Johnson, 20-anyos at residente ng Staten Island.

Ayon kay New York City Police commissioner Keechant Sewell, naglalakad ang biktima nang lapitan siya ng suspek at barilin sa ulo sa Upper East Side ng Manhattan noong Miyerkoles ng gabi.

Sinabi ng pamilya ng biktima na wala itong kaaway kaya naghinala ang pulisya na posibleng ang ama ng kanyang anak ang suspek.

Dati na umanong may criminal record ang ama ng anak ng biktima.

Leave A Reply

Your email address will not be published.