Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Babae labas ‘dede’ sa ad: Kuya Kim galit na galit sa Lazada

0 170

“Mahiya kayo!” ang birada ni Kim Atienza sa online shopping na Lazada dahil sa deep-sleep spray product.

Sunud-sunod ang tweet ng TV Patrol anchor sa Lazada dahil sa larawang nakapaskil sa ad.

“Shame on you @LazadaPH. Do you even know what you are selling? Is this even legal? I’m calling you out. Shame.

“That’s a weed Keychain. A date rape sleep spray or whatever they wish to call it is unacceptable and has to be called out. It it’s for insomnia I’d understand but the pic?” sabi ni Kim.

Ang inirereklamo ni Kim sa Lazada ay ang modelong babae na nakatulog sa passenger seat ng sasakyan na lantad ang isang suso.

Malinaw ang punto ni Kim na hindi dapat naglalabas ng mahalay na ad ang Lazada na puwedeng magkaroon ng ideya ng rape o sexual harassment sa tao, lalo na sa mga bata.

“’Yan may consent. Could useful for married couples. But a spray that may be used for date rape as the pic implies? Am putting too much ill meaning on the ad? A half naked sleeping kid to advertize a sleeping spray.”

Humingi naman ng paumanhin ang LazadaPH sa comment nito sa tweet ni Kim at sinabing paiimbistigahan nila ito sa kanilang team at gagawan ng aksyon.

Pero lumipas ang ilang oras ay muling nanawagan si Kim dahil nasa ad wall panel pa nila ang produkto.

“Your ad is still out of your team investigates!” (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.