Una sa Balita

Babae dinakma sa panunuhol ng pulis

By
0 8

Sa kagustuhang maisalba ang kababayan, arestado kamakalawa ang isang babae matapos nitong tangkaing suhulan ang pulis na humuli sa kanyang kaibigan sa buy-bust operation sa Biñan City, Laguna.

Batay sa report ng Biñan Police, halagang P99, 000 ang inaalok ng suspek na si Maimona Mandia sa pulis na si PO1 Chekie Dela Cruz kapalit ng kalayaan ni Normena Sangca.

Si Sangca ay unang naaresto sa isang buy-bust operation sa Barangay Poblacion, Biñan City, noong Sabado.

Ayon sa pulis, palihim siyang kinontak ng suspek at nag-alok ito ng nasabing halaga.

Nang magkita ang pulis at ang suspek at inabot ang pera, doon na ito dinakma ng mga kasamang pulis ni Dela Cruz.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Article 212 of Revised Penal Code of the Philippines (Corruption of Public Officials) ang suspek.