Una sa Balita

Babae binoga sa ulo malapit sa checkpoint

0 476

TODAS ang isang babae matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang naglalakad malapit sa quarantine checkpoint sa Barangay Budac, Tayum, Abra noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng Abra Police Station (APS) ang biktima na si Cherry Millare Belisario, 39, ng nasabing barangay.

Base sa report, bago ang pamamaril ay nakasakay ang biktima sa tricycle galing palengke at papauwi na ito sa kanilang bahay.

Ayon sa pulisya, noong malapit na ang biktima sa quarantine checkpoint ng kanilang barangay, bigla siyang nilapitan ang suspek at walang sabi-sabing binaril ito umano sa ulo sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang APS laban sa suspek at inaalam ang motibo ng nasabing pamamaril. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More