Una sa Balita

Babae, 3 pa minasaker sa QC

By
0 17

Apat katao na kinabibilangan ng isang babae ang pawang nasawi nang pagbabarilin­ ang mga ito ng hindi kilalang armadong mga suspek habang nasa loob ng isang bahay sa Brgy. Old Balara, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa report kay QCPD Director Chief/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), isa lang sa tatlong nasawing biktima ang nakilala. Ito ay si Ignacio Yutero y Cabrera,­ 40, married, construction worker, tubong Surigao Province at nakatira sa Purok 2, Area 5, Laura St., ng nasabing barangay.

Dalawa naman sa mga ito’y nakilala lang sa alyas na ‘Joey’ nasa 30-45 an­yos, small built, fair complexion, naka-blue sando at camouflage short pants. Ang babae naman ay alyas ‘Taba’ nasa 30-45 -anyos, kayumanggi, naka-gray t-shirt at black jogging pants. Ang isa pang lalaki ay nasa 30-35-anyos, medium built, naka-gray t-shirt at stripes na short pants na kulay blue at puti.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jerome Dollente ng CIDU, nangyari ang pamamaril dakong alas-11:10 ng gabi sa loob ng bahay ng biktimang si Yutero at base sa pahayag nina Jack Bamba at May Guerrero, habang nasa loob sila ng kanilang bahay ay nakari­nig sila ng sunud-sunod na mga pu­tok ng baril hanggang sa madiskubre ang mga biktima na duguang nakabulagta.

Si Yutero ay isinugod pa sa General Malvar Hospital subalit idineklara ding dead on arrival.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa pangu­nguna ni Chief/Insp. Mary Grace Alvarez, narekober sa crime scene ang 17-pi­raso ng basyo ng bala at 10-deformed fired bullets mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Nagtamo ang mga biktima ng maraming tama ng bala sa ulo at iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Blangko pa ang pulisya sa tunay na motibo nang nangyaring masaker at pa­tuloy pa rin ang imbestigasyon. (Nonnie Ferriol)