Una sa Balita

Babad sa trabaho, mura; Senador nilayasan ng mga staff

0 637

SINO daw itong mi­yembro ng Upper House ang nilayasan ng kanyang mga staff dahil sa sobrang haba ng trabaho?

Sa nakuhang info ni Mang Teban, inaabot daw ng 11 nang gabi ang trabaho ng mga staff ng senador pero pag-uwi nila sa bahay ay tinatawagan pa sila para sa karagdagang utos kahit alas-dos na nang madaling-araw.

Madalas din umanong tumawag ang senador sa kanyang staff pagsapit ng alas-sais nang umaga at kung minsan ay nagiging agahan nila ang mura ng mambabatas.

Ang masaklap nito, wala naman silang overtime sa pagtatrabaho hanggang hatinggabi.

Marami daw ang hindi na nakatiis at nag-resign na lamang, ilan dito ay ang kanyang executive assistant at dalawang abogadong staff.

Agad naman daw nakalipat ng trabaho sa incoming senator ang isang staff at masuwerte ito dahil sa hindi naman demanding sa output ang magiging boss nito.

Pintahan nyo na. Ang senador na nilayasan ng kanyang mga staff ay kilalang maepal. May letrang I sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy