Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Baba pinaglaruan’: Luis pikon na, nagbantang mananapak

0 221

Kung saan-saan na nga umabot ang pagkukumpara ng mga netizen sa mukha ni Luis Manzano.

Nandiyan nga `yung ikumpara ang mukha niya sa manggang hilaw, o sa liyanera ng leche flan (kasama si Alex Gonzaga), o sa mga lalake na mahaba ang baba, at the height nga na pati sa ‘Titanic’ (na pahaba ang hugis).

“Napakabastos na!” reklamo ni Luis.

“Yung totoo, sinong loko ang gagawa nito? Konting respeto naman! Parang wala na kayong tinira sa pagkatao ko. Porke magkahugis, ise-send niyo sa akin? Ganitong oras nasapak ka na ba sa tonsil? Pambihira walang karespe-respeto, oh!” sabi pa ni Luis sa photo na itinabi ang mukha niya sa isang hilaw na mangga.

May nagpadala rin sa kanya ng mukha ng isang lalake na sabi-sabi ay siya raw, na kamukha nga raw kasi niya, dahil medyo mahaba ang alam niyo na….

“Ano ba problema? Palagi niyong sini-send sa akin ito? May nagawa ba ako sa inyo? May napatay ba ako? Oh, sorry!

“Pero nakakainis na, ha! Kung may nagawa akong masama sa inyo, sorry na!” sabi ni Luis.

“Nakakahiya naman sa guy para makumpara sa iyo!” reaksiyon ni Alex.

Ganun din ang reaksiyon niya sa photo na magkatabi ang mukha nila ni Alex, na itinabi rin sa dalawang liyanera na may laman pang leche flan.

“Bakit tayo umabot sa ganito, ha! Nakakapikon na!” sabi ni Luis.

Pero siyempre, may kasamang patawa rin ang mga chikang ito ni Luis. Katunayan, obyus na naaliw siya dahil nagiging hot topic nga ito sa TikTok, na ang iba nga ay ginagamit talaga ang mukha niya para gawing content din sa kanilang TikTok account.

Well, sabi nga, kung malakas kang mang-asar, dapat hindi ka pikon, di ba?

SB19 may pasabog sa ‘All-Out Sundays’

Sobrang espesyal ang selebrasyon ng Mother’s Day ngayong Linggo (May 9) sa GMA musical variety show na ‘All-Out Sundays.’

SM food to go Banner Ad

May all-out performances nga sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Barbie Forteza, Ruru Madrid, Christian Bautista, Mark Bautista, Ken Chan, Rita Daniela, Aicelle Santos, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, at Mavy Legaspi.

Makikisaya rin sina Golden Canedo, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Thea Astley, Garrett Bolden, Kim De Leon, Lexi Gonzales, Bugoy Drilon, Rochelle Pangilinan.

May bonggang pasabog din sina Christian at Mark para kina Aiko Melendez, Gelli de Belen sa ‘Mommy Day Party.’

Pero, ang inaabangan talaga ay ang bigating performance ng Billboard Music Awards 2021 Top Social Artist nominee na SB19 ng kanilang latest single na ‘What?’ Sure ako, sobrang excited ang mga fan na mapanood nga ang mga idolo nila sa ‘All-Out Sundays’.

Makisaya sa Mother’s Day celebration ng AyOS barkada ngayong Linggo sa ‘All-Out Sundays’, 12 nn, sa GMA-7 at GTV.

Jackpot sa ‘Lucky Mart’

Ang suwerte ng mga nakatira sa Bacoor City, Makati City, Muntinlupa City, Las Piñas City, Pasay City, Parañaque City, Taguig City, dahil hindi sila nahihirapan na umorder ng mga pagkain na gusto nila.

Aba, bukod sa mga fresh na fresh na pagkain, mga grocery items, de-lata, meron pa nga silang mga pang-almusal, merienda, pananghalian, gabihan, na nabibili, na hindi nila kailangang lumabas ng bahay.

Ang kailangan lang ay mag-download ng Lucky Mart Grocery App at makakaiwas na sila sa posibleng sakit, at makakatipid pa ng oras.

Sabi nga, shop for groceries on your Lucky Mart Grocery Delivery App and we’ll have it delivered to you within 2 hours.

At kung wala kang oras magluto, sabi ko nga, puwede kang umorder ng ‘All-Day Breakfast Meals’ na isi-serve sa iyo na hot and freshly cooked. Na may kasama pang cup of hot coffee or iced tea.

At lalo pang sinuwerte ang tumatangkilik sa Lucky Mart Grocery Delivery, dahil nanalo nga sila ng brand new Playstation 5 sa pakulo na Shop & Win A PS5 Raffle Draw!

Bongga, di ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.