Una sa Balita

Baas kinuyog sa pananakit

0 383

HINDI nagustuhan ng mismong mga Pinoy ang inasal ng Azkals player na si Mikel Justin Baas matapos ang umano’y ‘pambabastos’ nito at kawalan ng respeto sa mga kalabang Malaysian matapos ang laban nila sa 30th Southeast Asian (SEA) Games nitong ­Biyernes sa Rizal ­Memorial Football Stadium.

Kalat na kalat na sa social media ang video clip kung saan makikita si Baas na imbes na umapir sa mga kalaban ay hinampas nito nang ma­lakas ang mga kamay at balikat ng mga Malaysian football player.

Dahil dito, umani ng mga batikos sa social ­media
Makikita sa isang post ng unofficial SEAG page na @SeaGamesUpdates sa Twitter ang bidyo na imbis na apir lang sana ang ipapaabot ng Pinoy players sa Malaysian team ay tila hinahampas ni Mikel Justin Baas ang mga kamay at balikat ng kalabang koponan.

@SeaGamesUpdates: “Disrespectful ­moments from #Philippines ­Football Team
Mr. Mikel Baas, ­respect others first in ­order to gain respect from ­others. #30thSEAGAMES #2019SEAGames #We­WinAsOne #PHforOne”

Nakaabot naman ito sa mga Pinoy fan at ­hindi rin nagustuhan ang ­ginawang kaugalian ng center-back player.

@whoyeah57: “You disrepected the whole of football Mr. Baas, the whole football community and what it stands for! You disrespected THE BEAUTIFUL GAME!”

@wansobri: “I know most Pinoys are toxic in video games. But i never expect the toxicity is brought to real life sports. Shame on that guy. You think you played at AZ does in means you can be big headed?”@misshyshy: “that was rude” (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy