Una sa Balita

Ba-bye Lapeña

By
0 512

Sabi niya noon, wala.

Ngayon naniniwala na si Customs Comm. Isidro Lapeña na mayroon ngang laman ang magnetic lifter na natagpuan sa isang warehouse sa Cavite noong Agosto.

Nauna nang ibinulgar sa akin ni Atty. Des Mangaoang, dating deputy collector ng BOC, na batay sa X-ray image na kanyang hawak, may laman ang mga magnetic lifter at nagsabwatan ang mga opisyal sa Customs para ito ay makalusot palabas ng ahensiya.

Kaya paniwala ng PDEA, bumaha ng shabu sa merkado kaya bumaba ang presyo.

Ano pa ang hinihintay ni Pangulong Rodrigo Duterte? Pinagtatawanan tayo ngayon ng mga drug smuggler/syndicate dahil sa pangyayaring iyan na ‘di lang isang beses. 

Balitawit:
Haring Solomon
(Boy Sullivan)
Chorus:
Halina mga ‘igan…
tayo ay magkantahan
at kung tapos na ang jengjengan
tayo ay magkuwentuhan
I. 
Sa silong ni Kaka may drogang nakawala…
kaya pala nawawala, ipinuslit sa adwana…
kasabwat daw si Comm at iba pa roon…
kahit pa nagsumbong, dedma hanggang ngayon…
aso’y mayrong duda, umupong talaga…
sa tabi ng makina, shabu’y naamoy niya…
pero si Lapeña, may sipon nga yata…
Parang napapango, tayo’y niloloko.
Chorus:
Halina mga ‘igan…
tayo ay magkantahan
at kung tapos na ang jengjengan
tayo ay magkuwentuhan
II. 
Si haring si Digong
may alagang gunggong…
iba kanyang kahol…
‘Di pa pinalakol
kung itoy mag-tara
sa umaga’t hapon
Akala mo’y malinis
ang dami ng ipon…
Ang gunggong na ito’y sobra kung humiling
Gusto ay sa gabi ang kanyang pakimkim…
Kahit siya’y busog na daing pa nang daing
Walang kabusugan,  bondat na nga ang tiyan!
Chorus:
Halina mga ‘igan…
tayo ay magkantahan
at kung tapos na ang jengjengan
tayo ay magkuwentuhan…
Lord Kayo na po ang bahala

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy