Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

B.League inisnab: Japeth, Ginebra tuloy ang toma

0 208

TULUYANG isinara ng pamunuan ng Barangay Ginebra ang pagnanais na mapirata ang isa sa pundasyon nito na si Japeth Aguilar sa pagsisiguro sa paglalaro nito sa susunod na tatlong taon.

Ang 34-anyos na 6–foot-9 mula Sasmuan, Pampanga ay nakipagkasundo Huwebes ng umaga para sa panibagong kasunduan sa pamunuan ng Barangay Ginebra para ipagpatuloy ang paglalaro sa koponan hanggang 2024.

Hindi inihayag ang mga detalye sa kasunduan bagaman ang halaga ay halos kapantay sa pinakamalalaking sahod sa liga tulad sa tinatanggap ni June Mar Fajardo, na siyang highest-paid player sa PBA at kabilang sa San Miguel Beermen na kapatid na koponan ng Gin Kings.

Nakatakdang ihayag ng Ginebra ang pormal na detalye.

Ang dating miyembro ng Western Kentucky University Hilltoppers sa US NCAA at isa sa mahusay na talento sa PBA na si Aguilar ay pinag-aagawan ng apat na koponan sa Japan B.League at pilit na inaalok ng nakakalulang kontrata na aabot sa $70,000 kada buwan.

Nagtapos na ang kontrata ng dating Gilas Pilipinas mainstay sa Ginebra sa huling araw ng 2021 kung saan ay agad na nagdesisyon si Aguilar na manatili dahil sa nais nito na “there is no place like home.” (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.