Una sa Balita

B-day wish ng mga fan: Alden magkadyowa na sana

0 475

abante-i-know-better-jun-nardo

Big day ni Alden Richards kahapon, January 2 dahil 27 years old na siya! Sama-sama ang mga fan ni Alden at AlDub Nation sa pagpapa-trend ng hashtag na #ALDENRichardst27 saTwitter.

Pinasilip naman ng isang global food chain ang teaser ng kanyang birthday TVC na umere kahapon.

Nanguna si Ai-Ai delas Alas sa bumati sa Pambasang Bae. “Happy birthday baby boy have a blast – labyu den salamat sa lahat @alderichards02,” caption ni Ai sa foto nila ni Alden sa Instagram ng Comedy Queen.

Bati naman ng kapwa Eat Bulaga Dabarkads na si Ruby Rodriguez kay Alden, “To one of the most generous, kind, loving person I know.

Happiest birthday to you @aldenrichards02. May our Lord bless you more as us share your blessings to others. We love you.”

Sa tweets na gamit ang hashtag, may nag-post na nag-offer ang ADN ng 27 special birthday masses of thanksgiving para kay Alden.

Mensahe naman ng fan club niyang Alden Official, “Happiest birthday to this man who inspires to be the better person always & in all ways!

“More than the good looks, your beautiful heart, mind & soul are what we admire most about you. Wishing you abounding success, joy & love in your 27th year & beyond!”

Bilang suporta sa kanyang birthday celebration, maagang pumunta sa APT Studios sa Cainta ang ilang grupo ng fans ni Alden kahapon.

Anyway, mababasa rin ang birthday wish ng iba na ngayong 27 na si Alden, sana raw ay magka-dyowa na ito, para mas lalo itong ma­ging masaya. Wala naman daw masama kung magka-girlfriend na si Alden, dahil 27 na nga siya, no! Pero sa nakikita rin kasi ng iba, masaya naman si Alden kahit wala itong girlfriend.

Happy, happy birthday, Alden!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy