Una sa Balita

B-day wish kay Vice: ‘Walang iwanan!’

0 861

Siguradong abot-tenga ang ngiti ni Vice Ganda, at masayang-masaya siya sa kaarawan niya.

Aba, tila nakakita na ng forever si Vice sa katauhan ni Kuya Escort Ion Perez, na binati siya sa kanyang ika-44 birthday.

Sa birthday greeting ni Ion, hiniling nito kay Vice na sana’y maging masaya ang kaarawan nito kasama siya.

“Sana maging masaya yung birthday mo kasama yung mga kaibigan mo, kasama ako,” sey ni Ion.

Sey pa ni Ion, hiling niya na magtagal pa ang relasyon nila ni Vice, na nilarawan niya bilang kanyang partner, lover at very best friend.

Sa dulo ng greeting ay kinakilig naman ng madlang pipol sa pagsabi ni Ion ng ‘Mahal na mahal kita’ sa Unkabogable star. Wala nga raw iwanan hanggang dulo. (RP)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More