Una sa Balita

B-day ni Ruffa ninegosyo ni Annabelle

0 515

abante-anything-goes-jun-lalin

Wow, kahapon lang dumating from Hong Kong, pero aalis ulit ngayon ang mag-lovey-dovey na sina Richar­d Gutierrez at Sarah Lahbati pa-Istanbul para sa event ng Magnum ice cream.

Kasama nila sa pagpunta doon si Raymond Gutierrez na palaging kasama sa mga event abroad ng nasabing ice cream brand.

Sa Hong Kong nga pala ay kasama nina R­ichard at Sarah ang panganay nilang si Zion, pero sa I­stanbul ay maiiwan muna ang bata sa lolang si A­nnabele Rama.

“Nang umalis sina Chard at Sarah pa-Hong Kong noong Sunday, sa akin naiwan si Kai, kaya tuwang-tuwa nga ako. ‘Pag alis naman nila sa Saturday, maiiwan sa akin ang dalawang bata. Tuwang-tuwa nga ako,” sey ni Bisaya na sobrang enjoy kapag naiiwan sa kanya ang mga apo.

Kahit nga bising-busy si Bisaya sa pagbebenta ng tickets para sa birthday concert ng panganay niyang si Ruffa Gutierrez, prio-rity raw niya ang pag-aalaga sa kanyang mga apo kapag ipinagkakatiwala sa kanya nina Richard at Sarah sina Zion at Kai.

“Nagagawa ko namang magbenta ng tickets kahit nag-aalaga ako sa mga apo ko. Mas masaya nga ako kapag nasa akin ang mga apo ko,” sabi ni Bisaya.

Sa June 22 pa naman ang birthday concert ni Ruffa na gaganapin sa Marriott Grand Ballroom, kaya may enough time pa raw si Bisaya para magbenta ng tickets.

“Saka may mga regular na akong binebentahan ng tickets. Masaya naman sila sa mga show na pino-produce ko dahil magagaling na ang performers, masasarap pa ang mga pagkaing sine-serve, kaya nakakaulit ako palagi sa mga binebentahan ko ng tickets,” sabi ng misis ni Eddie Gutierrez.

Sa show raw on June 22 ay marami siyang surprise performers, kaya matutuwa raw ang mga bumili ng tickets.

“Basta surprise. Kahit si Ruffa, magugulat sa mga magpe-perform na hindi niya alam. Kapag nabasa na naman ito ni Ruffa, mangungulit na naman ‘yon, pero wala akong sasabihin. Pati ang ibang mga kasama sa production, hindi nila alam kung sino-sino surprises for Ruffa.

“Baka maiyak pa si Ruffa kapag nag-perform na!” sabi pa ni Bisaya.

Teka! Hindi kaya biglang kumanta rin si Bisaya para sa birthday show ng kanyang pa-nganay at ‘yon ang ikaiyak ni Ruffa?

Well… hehehe

Richard, Raymond hahanapin si Yilmaz sa Istanbul?

Going back to the Istanbul trip of R­ichard, Sarah and Raymond, hindi kaya aksidenteng makita nila roon ang ex-husband ni Ruffa na si Yilmaz Bektas?

Sayang at hindi kasama sa Istanbul si Ruffa at baka ‘yon na ang pagkakataon na mag-krus ang landas nila ng tatay kina L­orin at Venice, huh!

Pero for sure, hindi pa ready si Ruffa na pumunta ng Istanbul, ‘noh?!

Sung Kim pinagkaguluhan

Nasa Kamuning Bakery ako kahapon para sa Pandesal Forum ni Wilson Lee Flores.

Si US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang special guest at nakakabilib dahil para siyang artista na pinagkaguluhan, huh!

Sabi nga ni Wilson, sobrang daming media na nagpunta para makapanayam si Amb. Kim.

Sabi ng US ambassador, enjoy siya sa ating bansa sa loob ng tatlong taon niya rito at ang Baguio City ang favorite destination niya sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy